Magsisimula na ang lokal na pamahalaan ng Pudtol sa pagbibigay ng ikatlong booster shot gamit ang COVID-19 Bivalent Vaccine (Pfizer) para sa mga 18-pataas na may primary doses 1st, 2nd and 3rd booster.
Gagawin ng LGU ang unang round ng pagbibigay ng COVID-19 Bivalent vaccine sa mga kabilang sa priority group na A1 sa kanilang Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO) simula ngayong araw, Agosto 25, 2023.
Paalala lang po sa ating lahat na ang supply ng bakuna ay limitado lamang, kaya amin pong ipatutupad ang “first come, first served” basis para sa Bivalent vaccine roll-out.